Bahay › Pambansa › Adobong Sitaw
Adobong Sitaw
Tinatawag ding: sitao
Uri GulayRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 30 minHirap MadaliParaan Ginisa
Tipid ulam15 minutes lang

Video: Mengkaw · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 6 tao
- 3/4 kilo pork liempo (hiniwa ng maliliit)
- 4 cloves bawang
- 1 sibuyas
- 2 tali ng sitaw
- 2 tbsp toyo
- 3 tbsp oyster sauce
- 2 tbsp suka
- paminta
- seasoning powder
Paraan ng pagluluto
- Ilagay sa non stick na kawali ang liempo, lagyan ng asin at paminta at pagmantikain, lutuin hanggang matusta.
- Alisin ang karne, iwan ang mantika, igisa bawang at sibuyas.
- Ibalik ang karne, ilagay ang sitaw, lagyan ng toyo, oyster sauce. suka , paminta at seasoning powder. Haluin, takpan at pakuluan ng 3 minuto. Haluin paminsan minsan.
- Luto na ang adobong sitaw.
Tandaan: Masarap ang sitaw kapag malutong pa kesa nasobrahan sa luto.
Kung walang sangkap
Kung walang karne ng baboy, pwedeng gumamit ng konting atay ng manok.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…