Bahay › Pambansa › Tinolang Manok
Tinolang Manok
Uri Masarap na sabawRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 55 minHirap MadaliParaan Sinabawan
Masarap sa malamig na panahon

Video: Panlasang Pinoy · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 5 tao
- 1 kilong manok ,hiniwa sa maliliit na piraso
- 3 thumb size luya, binalatan at hiniwa ng maliliit
- 1 cup dahon ng malunggay
- 1 cup dahon ng sili
- 1/8 cup paminta
- 1 piece hilaw na papaya or sayote
- 6 cups water
- 1 piece knorr cube
- 1 sibuyas hiniwa
- 4 na butil ng dinikdik na bawang
- 2 kutsarang patis
- 3 kutsarang mantika
Paraan ng pagluluto
- Mag init ng mantika. Igisa ang bawang, sibuyas at luya. Lagyan ng paminta.
- Kapag malambot na ang sibuyas, ilagay ang manok, lutuin ng limang minuto o kaya hanggang maging light brown.
- Lagyan ng tubig, pakuluan sa mahinang apoy hanggang 40 o hanggang lumambot ang manok. Alisin ang mga bula sa ibabaw ng sabaw.
- Ilagay ang Knorr cubes at papaya. Haluin ng limang minuto.
- Ilagay ang Malunggay at dahon ng sili at patis ayon sa iyong panlasa. Lutuin ng dalawang minuto.
- Handa na ang mainit na sabaw ng tinola.
Tandaan: Mas nangangailangan ng mas matagal na pagpapakulo ang mga manok na native at ilang mga kagaya nito.
Kung walang sangkap
kapag walang papaya, sayote ang pwedeng pamalit
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…