Beef Tapa
Tinatawag ding: tapang baka
Uri AlmusalRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 620 minHirap MadaliParaan Prito
Pang-baonWalang ref

Video: Cooking Satisfaction · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 1/2 kilo baka sirloin strips
- 4 Tablespoons (Tbsp) toyo
- 4 Tbsp brown sugar
- 12 piraso kalamansi
- 4 Tbsp olive oil
- 10 dinikdik na bawang
- paminta ayon sa panlasa
- 2 cups water
Paraan ng pagluluto
- Sa isang bowl, ilagay ang toyo, asukal ,kalamansi, bawang, olive oil at paminta. Ilagay ang karne , haluin at ibabad ng magdamag.
- Sa isang kawali ilagay ang binabad na baka, lagyan ng tubig, takpan at pakuluan ng 30 minuto.
- Alisin ang takip at patuloy na pakuluan hanggang maubos ang sabaw at maprito ang baka.
- Pwede lagyan sa ibabaw ng tostadong bawang kapag ihahain kasama ng sinangag at itlog.
Tandaan: Mas masarap at mas kakapit ang lasa sa karne kung mas matagal itong binabad.
Kung walang sangkap
Kung walang kalamansi, maaaring gumamit ng lemon.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…