Bulalo
Tinatawag ding: Bulalo ng baka
Uri Masarap na sabawRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 215 minHirap KatamtamanParaan Sinabawan
Pang-handaan

Video: Kuya Fern's Cooking · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 10 tao
- 2 Kilos Bulalo/Beef Shank
- 1 kutsarang asin
- 1 kutsarang pamintang durog
- 1 kutsaritang pamintang buo
- 3 sibuyas na hiniwa
- 4 kutsarang patis
- 2 pirasong mais, hiniwa ng maliit
- 1/8 kg sitaw
- 1 bunch pechay tagalog
Paraan ng pagluluto
- Sa isang malaking kawa na may tubig, ilagay ang beef shank, lagyan ng asin , pamintang durog at buo, sibuyas , patis at pakuluan sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa ang karne ng baka ay malambot na.
- Dagdagan ng tubig at pakuluang muli sa malakas na apoy, ilagay ang mga mais at pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa maluto ang mais, dagdagan ng kaunting tubig, pakuluan at ilagay ang sitaw. Lutuin ng 2 minuto, ilagay ang petchay, lutuin ng 2 minuto.
- Tikman, magdagdag ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Tandaan: Mas malasa ang sabaw kung papakuluan sa katamtamang lakas ng apoy at malambot ang karne.
Kung walang sangkap
Kung walang petchay, pwedeng lagyan ng repolyo at iba pang gulay na nais.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…