Chopsuey
Tinatawag ding: chopsuy
Uri GulayRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 45 minHirap MadaliParaan Ginisa
Pang-handaan

Video: Panlasang Pinoy · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 2 kilo manok (breast)
- 1 piece chicken cube
- 1 1/2 cup broccoli
- 1 1/2 cup cauliflower
- 2 pieces carrot
- 12 pieces snow peas (sitsaro)
- 2 cups repolyo
- 1 piece red bell pepper
- 1 piece green bell pepper
- 12 piraso itlog ng pugo (nilaga)
- 300 grams young corn
- 1 cup water
- 5 cloves bawang
- 1 piraso sibuyas
- 2 kutsara toyo
- 2 kutsara oyster sauce
- 1 kutsara cornstarch tinunaw sa 3/4 cup na tubig
- 3 kutsara mantika
- asin at paminta ayon sa panlasa
Paraan ng pagluluto
- Maginit ng mantika, igisa ang sibuyas at bawang. Ilagay ang manok at isangkutsa, lagyan ng toyo at oyster sauce.Lagyan ng tubig at pakuluan.
- Kapag kumulo na lagyan ng chicken cube. Pakuluan ng 2 minuto, ilagay ang carrots at pakuluan ng 3 minuto.
- Ilagay ang slurry (cornstarch na tinunaw sa tubig), haluin, ilagay ang young corn, cauli flower,
- Red and green bell pepper, broccoli, snow peas (sitsaro), repolyo. Takpan at pakuluan ng 1 minuto
- Haluin at timplahan ng asin at paminta. Ilagay ang nilagang itlog ng pugo, iluto pa ng 45 segundo.
- Ihain habang mainit.
Tandaan: Masarap ang mga gulay kapag hindi sobra ang pagkakaluto.
Kung walang sangkap
Kapag walang itlog ng pugo, pwede naman ang itlog ng manok na maliit o kahit wala na.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…