Bahay › Pambansa › Ginataang Langka
Ginataang Langka
Uri GulayRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 50 minHirap MadaliParaan Ginataan
Tipid ulam

Video: Yummy Kitchen · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 6 tao
- 1 1/2 kilo hilaw na langka
- 400 grams pork liempo
- asin at paminta ayon sa panlasa
- 1/8 cup luya
- 6 cloves bawang
- 1 sibuyas
- 4 kamatis
- 1 piraso pork cube
- 2 cups coconut milk
- 2 cups coconut cream
- Patis ayon sa panlasa
- 6 piraso sili
Paraan ng pagluluto
- Sa kawali ilagay ng hiniwang liempo, pagmantikain lagyan ng asin at paminta. Lutuin hanggang matusta ang karne.
- Ilagay ang luya, bawang, sibuyas at kamatis. Kapag nadurog na ang kamatis ilagay ang langka.
- Timplahan ng asin at paminta. Ilgay ang pork cube at coconut milk (pangalawang piga).
- Pakuluan 20 minuto hanggang sa lumambot ang langka.
- Ilagay ang sili at ang coconut cream ( unang piga). Pakuluan ng 5 minuto o hanggang lumapot ang sabaw, timplahan ng patis kung kailangan. Lutuin pa ng 1 minuto. Ready to serve na.
Tandaan: masarap ang malambot na langka at maraming gata sa luto na ganito.
Kung walang sangkap
Kung walang baboy, pwedeng gumamit ng alimasag na pamalit na sahog.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…