Bahay › Pambansa › Ginisang Ampalaya
Ginisang Ampalaya
Uri GulayRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 30 minHirap MadaliParaan Ginisa
Tipid ulam15 minutes lang

Video: Panlasang Pinoy · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 5 tao
- 2 piraso ampalaya
- 5 butil ng bawang
- 3 itlog
- 3 kamatis
- 1 sibuyas
- asin at paminta ayon sa panlasa
- 3 kutsarang mantika
Paraan ng pagluluto
- Hatiin sa gitna ang ampalaya at alisin ang puti sa gitna. Hiwain ng maliliit. ibabad sa tubig na may asin.
- Maginit ng mantika, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Ilagay ang ampalaya kapag durog na ang kamatis.
- Makalipas ang isang minuto, lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa at haluin.
- Ilagay ang itlog, hintaying maluto ang itlog bago haluin.
Tandaan: Huwag haluin ang ampalaya kapag hindi pa luto ang itlog.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…