Bahay › Pambansa › Ginisang Togue
Ginisang Togue
Tinatawag ding: Toge
Uri GulayRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 25 minHirap MadaliParaan Ginisa
Tipid ulam15 minutes lang

Video: Mel's Kitchen · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 5 tao
- 250 grams togue
- 300 grams karne ng baboy hiniwa ng maliit
- 1 large carrot
- 4 cloves bawang
- 1 sibuyas
- 1 large hinog na kamatis
- 2 stalk spring onion
- 1 tbsp toyo
- 1-2 cups water
- asin at paminta ayon sa panlasa
- 1 tbsp mantika
Paraan ng pagluluto
- Maginit ng mantika, igisa ang sibuyas , bawang at kamatis.
- Ilagay ang karne ng baboy, lagyan ng toyo, isangkutsa, lagyan ng tubig at pakuluan hanggang lumambot ang karne ng baboy.
- Ilagay ang carrots, timplahan ng paminta, ilagay ang togue, haluin, ilagay ang spring onion.
- Haluin ng 1 minuto, luto na ang ginisang togue.
Tandaan: Hayaang munang madurog ang kamatis sa paggisa bago ilagay ang ibang sangkap.
Kung walang sangkap
Pangunahin lang ang sangkap, pwede maglagay ng kamote at konting repolyo.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…