Sagot sa Kalam

Bahay › Ilocos › Ilocos Empanada

Ilocos Empanada

Merienda — Magaang kain sa pagitan ng tanghalian at hapunan — pancit, lugaw, lumpia, empanada.

Uri MeriendaRehiyon IlocosGaling Vigan / BatacOras 60 minHirap MahirapParaan Prito
Pang-baon

Video: Lutong Fili_pinay · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator

Mga sangkap

Paraan ng pagluluto

  1. Pagsamahin ang nilagang munggo at ginayat na papaya, timpalahan ng asin at paminta, haluing mabuti at itabi.
  2. Kumuha ng vigan longganisa, lutuin, hiwain ng maliliit at itabi
  3. Sa paggawa ng dough, magpakulo ng 3 cups ng tubig, kpag kumulo na ilagay ang atsuete powder, mantika, haluin at saka ilagay ang rice powder, Haluin at timplahan ng asin at paminta. Masahin hanggang sa maging consistent ang texture ng dough.
  4. Kumuha ng dough palaparin ng pabilog, lagyan ng pinaghalong munggo at papaya, lagyan ng longganisa at itlog.
  5. Isara ang dough, tanggalin ang labis sa gilid at saka iprito ng lubog sa mantika. Nakagawa ka na ng ilocos empanada.
Tandaan: Ang pangunaging sangkap ay masarap ng vigan longganisa, mag iiba ng lasa kapag ibang longganisa ang gagamitin. Kapartner nito ang sukang iloko.

Kung walang sangkap

Kung walang munggo pwede ang togue na pamalit.

Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.

Mga komento

Kinukuha ang mga komento…

Makikita ng lahat ang pangalan at komento mo. Bawal ang link, numero at pambabastos. Privacy

Pagod na sa Lumpiang Gulay?
Subukan ang Lumpiang Gulay — kaparehong luto, ibang lasa.