Bahay › Pambansa › Paksiw na Lechon
Paksiw na Lechon
Tinatawag ding: litsong paksiw
Uri Ulam pang-hapunanRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 50 minHirap MadaliParaan Nilaga
Pang-handaan

Video: Panlasang Pinoy · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 8 tao
- 1 kilo tirang lechon
- 1 piece Knorr Pork Cube
- 3 cups lechon sauce
- 2 pieces sibuyas
- 5 cloves bawang
- ½ cup suka
- ¼ cup asukal na puti
- 5 pieces dahon ng laurel
- 2 teaspoons pamintang buo
- 2 ½ cups ng tubig
- Salt to taste
Paraan ng pagluluto
- Hiwain ang tirang lechon ng maliliit na serving.
- Lagyan ng tubig ang hiniwang lechon at pakuluan , kapag kumulo na ilagay ang bawang at sibuyas, paminta at dahon ng laurel.
- Pakuluan ng 5 minuto. Lagyan ng pork cube at suka.
- Pakuluan pa sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang balat ng letchon.
- Lagyan ng letchon sauce at pakuluan ng 10 minuto.
- Tikman at lagyan ng asukal ayon sa panlasa.
Tandaan: Masarap kainin ang balat kng ito'y malambot na malambot.
Kung walang sangkap
Kung walang letchon sauce na natira, maaring gamitin ang mga nabibili sa grocery store na nasa bote.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…