Adobo sa Gata
Rehiyon BicolGaling Bicol RegionOras 50 minHirap MadaliParaan Ginataan
Tipid ulam

Video: Simpol PH · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 1/2 kilo baboy o manok, hiniwa
- 1/4 tasang toyo
- 3 kutsarang suka
- 1 1/2 tasang gata
- 1 buong bawang, dinurog
- 3 dahon ng laurel
- 1 kutsaritang paminta
- 5 siling labuyo
- 1 sibuyas
Paraan ng pagluluto
- Imarinate ang karne sa toyo, suka, bawang at paminta. 30 minuto.
- Ilagay sa palayok kasama ang marinade at laurel. Pakuluan — HUWAG HALUAN sa unang 10 minuto.
- Pagkatapos ng 10 minuto, haluin. Takpan at lutuin 25 minuto hanggang lumambot.
- Ibuhos ang gata at siling labuyo. Hinaan ang apoy.
- Lutuin 15 minuto hanggang lumapot ang sarsa at lumabas ang mantika.
- Ihain na may mainit na kanin.
Tandaan: Ang hindi paghahalo sa simula ay para hindi mag-asim nang sobra ang suka.
Tandaan: Ito ang tulay sa pagitan ng adobo at Bicol Express — pamilyar pero bago.
Pagod na sa Adobong Baboy?
Subukan ang Adobong Baboy — kaparehong luto, ibang lasa.