Laing
Rehiyon BicolGaling Albay / CamarinesOras 60 minHirap KatamtamanParaan Ginataan
Tipid ulamPang-baon

Video: Namit Bicol TV · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 20 tuyong dahon ng gabi (natong)
- 2 tasang gata (unang piga)
- 1 tasang gata (pangalawang piga)
- 1/4 kilo baboy, hiniwang maliit
- 2 kutsarang bagoong alamang
- 8 siling labuyo
- 1 sibuyas, tinadtad
- 6 butil bawang, tinadtad
- 1 pulgadang luya, hiniwa
Paraan ng pagluluto
- Ilagay sa palayok ang pangalawang piga ng gata, baboy, bawang, sibuyas, luya at bagoong.
- Pakuluan 15 minuto hanggang lumambot ang baboy.
- Isalansan ang tuyong dahon ng gabi sa ibabaw. HUWAG HALUAN.
- Takpan at pakuluan sa mahinang apoy 30-40 minuto. Huwag haluin kahit kailan.
- Kapag lumambot na ang dahon, saka lang dahan-dahang haluin.
- Ibuhos ang unang piga at siling labuyo. Lutuin 10 minuto hanggang lumapot.
- Ihain. Mas masarap kinabukasan.
Tandaan: ANG HINDI PAGHAHALO ANG SIKRETO. Kapag hinalo agad, mangangati ang lalamunan.
Tandaan: Tuyong dahon talaga, hindi sariwa. Sariwa = mas malaki ang tsansang mangati.