Embutido
Tinatawag ding: pork embotido
Special Meal — Pang-handaan at okasyon: kaarawan, pista, Pasko. Hindi pang-araw-araw na luto.
Uri Special MealRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 80 minHirap KatamtamanParaan Steamed
Pang-baon

Video: otakoyakisoba · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 18 tao
- 2 kilo giniling na baboy
- spam
- 2 piraso carrots
- 2 cup green peas
- 2 cup pasas
- 2 big sibuyas
- 1 big bawang
- 1 cup chicken powder
- 1 cup asukal
- 3 kutsarang asin
- 3 kutsarang paminta
- 4 eggs
- 1 cup corn starch
Paraan ng pagluluto
- Hugasan ang sangkap na gulay na gagamtin, hiwain ito ng maliliit.
- Sa isang malaking lalagyan, paghaluhaluin ang giniling na karne ng baboy, dinurog na spam, carrots, green peas, pasas, sibuyas, bawang, chicken powder, asukal, asin, paminta, mga itlog at cornstarch.
- Haluin itong maigi upang madaling maihulma.
- Ihulma ito ng pabilog na pahaba sa isang aluminum foil ayon sa gustong sukat.
- Kapag nabalot na lahat, maaari na itong pasingawan sa mainit na tubig sa loong ng 30-45 minuto depende sa laki ng inyong pagkakahulma.
- Matapos itong pasingawan, palamigin at ilagay sa freezer.
- Bago ihanda, iprito ng buo saka hiwain.
Tandaan: Mas mainam na lutuin ng buo ang embutido bago hiwain upang hindi madurog.
Kung walang sangkap
Ang sangkap na spam ay optional lamang. Pwedeng pamalit sa cornstarch ay harina o bread crumbs.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…