Bahay › Pambansa › Pancit Bihon
Pancit Bihon
Tinatawag ding: pansit bihon
Merienda — Magaang kain sa pagitan ng tanghalian at hapunan — pancit, lugaw, lumpia, empanada.
Uri MeriendaRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 40 minHirap MadaliParaan Ginisa
Pang-baon

Video: Yummy Kitchen · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 10 tao
- 500 grams bihon noodles
- 300 grams pork liempo
- 1 large carrot (sliced into strips)
- 1 medium repolyo
- 5 cloves bawang
- 1 medium sibuyas
- ¼ cup toyo
- 4 tablespoons oyster sauce
- 1 piece shrimp broth cube
- 1 teaspoon paminta
- 1 kutsarang asukal
- 1 medium bell pepper
- 8 cups tubig
Paraan ng pagluluto
- Isalang sa kawali ang karne ng baboy, pagmantikain hanggang matusta.
- Ilagay ang bawang, sibuyas , carrots, paminta, konting toyo at lutin ng 1 minuto.
- Ilagay ang repolyo at lutuin ng 2 minuto, ilagay ang bell pepper, lutuin ng 2 minuto at itabi muna.
- Sa kawali maglagay ng tubig, pakuluin, ilagay ng shrimp cube, natirang toyo at oyster sauce.
- Pakuluan ng 2 minuto, lagyan ng asukal, paminta.
- Ilagay ang bihon noodles, paghiwahiwalayin, haluin hanggang matuyo ang sabaw at maluto.
- Bago ihain, ilagay ang mga gulay at haluin.
Tandaan: Masarap ang gulay sa pancit na hindi gaanong naluto.
Kung walang sangkap
Kung walang baboy, maari namang gumamit ng manok at atay ng manok.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…