Sagot sa Kalam

Bahay › Pambansa › Rellenong Bangus

Rellenong Bangus

Tinatawag ding: Relyenong bangus

Special Meal — Pang-handaan at okasyon: kaarawan, pista, Pasko. Hindi pang-araw-araw na luto.

Uri Special MealRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 85 minHirap MahirapParaan Prito
Isda at seafood

Video: Taste to Share PH · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator

Mga sangkap · para sa 6 tao

Paraan ng pagluluto

  1. Tanggalin ang laman at tinik ng bangus. Panuorin ang video kung paano gawin.
  2. Timplahan ng toyo at kalamansi ang balat na may ulo ng bangus. Itabi muna.
  3. Pakuluan ng 2 minuto ang laman ng bangus, hanguin, palamigin at tanggalan ng tinik.
  4. Sa isang kawali, maglagay ng mantika, igisa ang bawang, sibuyas, chorizo de bilbao, kamatis, ang laman ng bangus na wala ng tinik, red bell pepper, paminta,carrots, patatas, oyster sauce, liver spread, green peas, pasas, pickled relish at suka. Palamigin at itabi muna.
  5. Sa isang lalagyan, magbati ng 2 itlog at ilagay sa pinaghalong halong sangkap.
  6. Ilagay sa loob ng bangus ang mga rekado at dagdagan ng keso.
  7. Tusukin ng bb1 stick ang bangus mula sa ulo papuntang buntot bilang suporta.
  8. Budburan ng cornstarch ang bangus hanggang malagyan ng buo.
  9. Iprito ang bangus. Kapag naluto na, maaring hiwahiwayin.
  10. Ihanda kasabay ng mainit na kanin.
Tandaan: Mag ingat sa pag aalis ng laman at tinik baka mabutas ang balat ng bangus.

Kung walang sangkap

Kapag walang mga sangkap, daing na bangus o pritong bangus ang lutuin.

Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.

Mga komento

Kinukuha ang mga komento…

Makikita ng lahat ang pangalan at komento mo. Bawal ang link, numero at pambabastos. Privacy

Iba pang pagkain ng Pambansa

Kare-Kare
Special MealPambansa · Buong Pilipinas · buntot ng baka, mani, puso ng saging, sitaw, talong, bagoong
162 min
Pancit Canton
MeriendaPambansa · Buong Pilipinas · canton noodles, manok, hipon, repolyo, karot, toyo
45 min
Pancit Bihon
MeriendaPambansa · Buong Pilipinas · bihon, manok, repolyo, karot, sitsaro, toyo
40 min
Lumpiang Gulay
MeriendaPambansa · Buong Pilipinas · togue, karot, sayote, balat ng lumpia
55 min
Embutido
Special MealPambansa · Buong Pilipinas · giniling na baboy, itlog, pasas, karot, hotdog
80 min
Hamonado
Special MealPambansa · Buong Pilipinas · baboy, pinya, asukal, toyo
85 min