Bahay › Pambansa › Pancit Canton
Pancit Canton
Tinatawag ding: pansit canton
Merienda — Magaang kain sa pagitan ng tanghalian at hapunan — pancit, lugaw, lumpia, empanada.
Uri MeriendaRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 45 minHirap MadaliParaan Ginisa
Pang-baon

Video: Yummy Kitchen · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 6 tao
- 500 grams canton noodles
- 250 grams manok
- 250 grams atay ng manok
- 3 tablespoons toyo
- 3 tablespoons oyster sauce
- 1 small head repolyo
- 1 medium carrot (sliced into strips)
- 5 cloves of bawang
- 1 medium onion
- 10 pieces squid balls
- ½ cup green beans
- 1 tablespoon patis
- 1/8 cup mantika
Paraan ng pagluluto
- Sa isang kawali, maginit ng mantika, lutuin ang squid balls at itabi.
- Sa parehong kawali, Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay laman at atay ng manok, isangkutsa.
- Ilagay ang carrots, lagyan ng paminta at patis, ilagay ang beans at pakuluan, ilagay ang bell pepper at ang repolyo. Iluto ng 1 minuto, hanguin at palamigin. itabi muna.
- Sa isang kawali, maglagay ng tubig, pakuluin at lagyan ng toyo, paminta at chicken cube.
- Ilagay ang canton noodles, haluhaluin at lutuin ng 5 minuto.
- Lagyan ng oyster sauce at squid balls. Haluin at lutuin ng isang minuto.
- Bago ihain, ilagay ang mga nilutong mga gulay at haluin.
Tandaan: Masarap sa pancit kung hindi gaanong naluto ang mga gulay.
Kung walang sangkap
Kung walang squid balls, pwede naman gumamit ng kikiam at chicken balls.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…