Bahay › Pambansa › Arroz Caldo
Arroz Caldo
Tinatawag ding: lugaw
Merienda — Magaang kain sa pagitan ng tanghalian at hapunan — pancit, lugaw, lumpia, empanada.
Uri MeriendaRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 60 minHirap MadaliParaan Sinabawan
Paborito ng bata

Video: FoodNatics · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 12 tao
- 2 thumbs-sized luya
- 5 cloves bawang
- 1 medium sibuyas
- 5 pcs chicken wings
- 3 & 1/2 tbsp fish sauce
- 1/2 tsp ground pepper
- 3/4 cups of malagkit rice
- 3/4 cups of jasmine rice
- 9 cups water
- 1 & 1/2 tsp sugar
- 2 stalks of lemongrass
- 1 tbsp safflower or kasubha
- egg for toppings
- toasted garlic, spring onion for garnish
Paraan ng pagluluto
- Pagsamahin ang malagkit at jasmine rice, lagyan ng tubig hanggang sa lumubog, haluin at ibabad ng 3 oras.
- Hatiin ang mga manok ayon sa sukat na nais. Hiwain ang mga sangkap na gagamitin.
- Maginit ng mantika, igisa ang luya, bawang at sibuyas. Ilagay ang manok at isangkutsa.
- Timplahan ng patis at paminta, pakuluan hanggang maubos ang tubig.
- Ilagay ang binabad na bigas, haluin, takpan, iluto ng 2 minuto, lagyan ng tubig, haluin at pakuluan.
- Habang kumukulo, lagyan ng tanglad, dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
- Kapag luto na ang bigas, ilagay ang kasubha, pakuluan ng 3 minuto.
- Lagyan nilagang itlog sa ibabaw kpag ihahain kasama ng tostadong bawang at spring onion.
- Patakan ng kalamansi at lagyan ng patis at paminta.
Tandaan: Mas masarap kung ang manok na gagamitin ay native na manok o mga kauri nito.
Kung walang sangkap
Kung walang malagkit, anumang bigas na malambot ay maaari na ring gamitin.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…