Sopas
Merienda — Magaang kain sa pagitan ng tanghalian at hapunan — pancit, lugaw, lumpia, empanada.
Uri MeriendaRehiyon PambansaGaling Buong PilipinasOras 50 minHirap MadaliParaan Sinabawan
Paborito ng bata

Video: Melissa Migrino · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 5 tao
- 1/4 kilo manok (breast)
- 1 tbsp margarine
- 1 sibuyas
- 6 Cloves bawang
- 3 tbsp patis
- 1/2 tsp pamintang durog
- asin ayon sa panlasa
- 1 pack Macaroni pasta elbow 500g
- 1 carrot
- 1 repolyo
- 3 pcs hotdog
- 1 chicken cube
- 1 can evaporated milk 360ml
Paraan ng pagluluto
- Tunawin ang butter, igisa ang sibuyas, bawang , ilagay ang manok , lagyan ng patis, paminta at isangkutsa.
- Ilagay ang elbow macaroni, lagyan ng tubig at pakuluan ng 5 minuto.
- Ilagay ang carrots, hotdog , chicken cube, dagdagan ng tubig kung kinakailangan at haluin.
- Pakuluan ng 5 minuto, lagyan ng asin, ilagay ang repolyo, ilagay ang evaporated milk.
- Pakuluan ng 2 minuto, luto na ang sopas. Ihain habang mainit.
Tandaan: Mas marasap gumamit ng butter sa sopas kesa mantika lamang.
Kung walang sangkap
Kung walang repolyo pwedeng petchay baguio ang gamitin. Pwede ring magdagdag ng iba pang gulay kung nais.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…