Bahay › Visayas › Chicken Inasal
Chicken Inasal
Rehiyon VisayasGaling Bacolod, NegrosOras 90 minHirap KatamtamanParaan Inihaw
Pang-baonPaborito ng bata

Video: Ann's Home Cuisine · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 1 buong manok, hiniwang quarters
- 1/2 tasang sukang tuba (o sukang niyog)
- 3 tangkay tanglad, tinadtad
- 2 pulgadang luya, kinudkod
- 1 buong bawang, dinurog
- 1/4 tasang calamansi
- 2 kutsarang asukal na pula
- 1/2 tasang mantikilya o margarine
- 2 kutsarang atsuete oil
- Asin at paminta
Paraan ng pagluluto
- Ihalo ang suka, tanglad, luya, bawang, calamansi, asukal, asin at paminta.
- Imarinate ang manok 3-4 oras o magdamag sa ref. Mas matagal, mas masarap.
- Ihalo ang tinunaw na mantikilya at atsuete oil — ito ang pambasting.
- Ihawin sa uling, balat muna pababa. 7-8 minuto bawat side.
- Basting tuwing bubuwelta. Gawin ito 3-4 beses.
- Luto kapag malinaw na ang katas. Ihain na may atsuete oil, suka at kanin.
Tandaan: Sukang tuba talaga — ito ang lasa ng Bacolod. Sukang niyog ang pinakamalapit na kapalit.
Tandaan: Ang dilaw na kulay ay galing sa atsuete, hindi sa food color.