Dinengdeng
Rehiyon IlocosGaling Ilocos Norte / SurOras 30 minHirap MadaliParaan Sinabawan
Tipid ulamMasarap na sabaw

Video: JEAN cooking · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 2 kutsarang bagoong isda
- 1 tali saluyot
- 1 bungkos marunggay (malunggay)
- 1/4 kalabasa, hiniwang cubes
- 6 piraso okra
- 1 tali sitaw
- 1 hiwa upo o patola
- 1 inihaw na isda (tilapia o galunggong), tinanggalan ng tinik
- 1 lasona, hiniwa
- 1 pulgadang luya
- 3 tasang tubig
Paraan ng pagluluto
- Pakuluan ang tubig kasama ang bagoong isda, luya at lasona. 5 minuto.
- Ilagay ang kalabasa at upo. Pakuluan 5 minuto hanggang medyo lumambot.
- Susunod ang sitaw at okra. 3 minuto pa.
- Ihulog ang inihaw na isda. Dahan-dahan para hindi madurog.
- Huli ang saluyot at marunggay — 1 minuto lang, patayin agad ang apoy.
- Ihain agad habang mainit. Sabaw-sabaw ito, hindi tuyo.
Tandaan: Ang dinengdeng ay MAS MASABAW kaysa pinakbet — iba sila, hindi magkapareho.
Tandaan: Anumang gulay sa bakuran pwede. Walang mahigpit na listahan.