Bahay › Ilocos › Vigan Longganisa
Vigan Longganisa
Tinatawag ding: ilocos longganisa
Uri AlmusalRehiyon IlocosGaling Ilocos SurOras 35 minHirap MadaliParaan Prito
Pang-baonWalang ref

Video: American AI · pindutin ang play at mabibilang ito sa views ng creator
Mga sangkap · para sa 4 tao
- 1 kilo giniling na baboy (may taba)
- 1 buong bawang, tinadtad nang pino
- 3 kutsarang sukang Iloko
- 1/3 cup toyo
- asin ayon sa panlasa
- 1 kutsaritang paminta, dinurog
- Balat ng longganisa
Paraan ng pagluluto
- Paghaluhaluin ang lahat ng mga sangkap, giniling na baboy, bawang, sukang iloko, toyo, asin at paminta.
- Masahin nang mabuti ng 5 minuto.
- Maghintan ng 20 minuto o higit pa bago ibalot sa balat or plastic.
- Kapag nabalot na lahat ay ilagay muna sa ref ng magdamag bago lutuin.
- Paraan ng pagluluto :
- Ilagay sa kawali na may 1/2 tasang tubig. Pakuluan hanggang maubos ang tubig.
- Hayaang magprito sa sariling taba hanggang mag-brown. Ihain na may sinangag, itlog at suka.
Tandaan: MARAMING bawang — ito ang pagkakaiba sa matamis na longganisang Pampanga o Vigan-style imitations.
Tandaan: Maalat at maasim ito, hindi matamis. Huwag dagdagan ng asukal.
Kung walang sangkap
Kung walang sukang iloko, gumamit ng iabng suka na de kalidad na suka na gaya ng lasa ng sukang iloko.
Bago magluto: tingnan ang paalala sa allergy at kaligtasan sa pagkain. Tantiya lang ang oras at hirap.
Mga komento
Kinukuha ang mga komento…